Tuesday, August 20, 2013

Bakit hindi pa NAPUPULIS si NAPOLES?



Kawawa naman ang mga kaXambayan natin na Napoles din ang apelyido at hindi sangkot sa Pambansang Iskandalo na mas seryoso pa kasya sa scandal ni Chito. Sampung bilyong piso (Php10B!!!) diumano ang nasungkit at napunta sa bulsa (or vault or foreign bank accounts) ng mga mapangahas na pulitiko sa tulong ni Janet Lim-Napoles at ng kanyang JLN Corp. 

Kamakailan lang ay dineklarang pwedeng i-Citizen's Arrest si Napoles - ibig sabihin 'pag nakita siya ng mga kaXambayan natin ay pwedeng hulihin on site si Napoles. Syempre ang tanong - "Would you dare?" Kaya mo bang patumbahin ang dambuhalang 'yon kapag sinulong mo siya ng iyong super tackle? Wala bang mga bodyguards na nakapalibot kay Napoles? Nakakalapit ka ba kay Napoles o baka may random shoot-out na magaganap kapag tinangka mong hulihin siya? O baka nasa sasakyan siya ng makita mo at hindi mo naman mahabol kaya wala ring silbi? Hindi mo rin nakuha yung camera mo on-time para kunin ang plate number ng sasakyang nakita mo (kung may plate number!). Baka nakasakay na gamit ang private plane (or mas daring kapag gamit ang sosyal na yacht o di kaya bangka).

Habang unti-unting nawawala ang balitang ito, unti-unting lamalapad ang ngiti ng mga GUILTY dahil alam nila na karamihan sa mga Pinoy ay unti-unting makakalimutan ang isyung ito. Siguradong kapag bibigyan pa ng ilang linggo at ilan pang capturing news ay makakalimutan na ng tuluyan ng mga nagrereklamong Pinoy na may mga pulitiko na kumuha ng kanilang ilang taong pinaghirapang pera.

Hindi si Napoles kundi pati ang mga nakinabang na mga mambabatas ay dapat ding pansinin. Pero dahil mukhang nao-obsess ang mga Pinoy sa pag-hunting kay Napoles ay nakalimutan nila na ilan sa mga GUILTY din sa pagnakaw sa kaban ng bayan ay nasa harap lang nila (harap ng TV). Mga senador at mga mayor at mga congressman na sangkot sa scam na ito. Dapat ay hindi natin makalimutan na ilan sa kanila ay talagang may sala. Kailangan natin maging magmatyag ng maigi para hindi na maulit ito (o baka hindi natin alam nagpapatuloy ito habang binabasa mo ito). Lagot tayo kapag hindi tayo natuto.

Mabalik sa tanong - bakit hindi pa napupulis si Napoles?

Dahil kamag-anak siya ni Lupin III. Joke.



No comments:

Post a Comment